FAQ
Mga Madalas Itanong
Hindi makita kung ano ang hinahanap mo?
Tingnan ang aming Help Center para sa higit pang teknikal na tulong.
VPN ba ang Outline?
Hindi, ang Outline ay hindi isang VPN. Nagbibigay-daan ito sa sinumang mag-set up at mamahala ng sarili nilang pribadong VPN server.
Bakit mas mahirap i-block ang Outline kaysa tradisyonal na VPN?
Gumagamit ang Outline ng walang handshake at walang katulad na protocol na mahirap tukuyin, hindi kagaya ng mga karaniwang protocol ng VPN na madaling matukoy at ma-block.
Pribadong pamamahagi ng access. Hindi kagaya ng mga pampublikong VPN, kung saan madaling maa-access at maililista ng isang censor ang mga server na kailangan nitong i-block.
Gamit ang Outline, madaling gumawa ulit ng server kung maba-block ito.
Na-download ko ang Outline App pero wala akong access key. Saan ako makakahanap ng access key?
Mabubuo lang ang mga access key mula sa Outline Manager. Makipag-ugnayan sa sinumang alam mong nag-set up ng server gamit ang Outline Manager, o mag-set up ng iyong sariling server at padalhan ang sarili mo ng access key.
Secure ba ang Outline?
Nag-aalala ako tungkol sa aking data. Anong impormasyon ang kinokolekta mo?
Paano ako pipili ng cloud provider?
Piliin ang iyong cloud provider batay sa mga partikular mong pangangailangan at badyet. Parehong pinagkakatiwalaang pangalan ang Google at Amazon Web Services. Nag-aalok ang Digital Ocean ng ilan sa pinakamurang plan kada buwan, at maraming user ang nag-uulat na ito ang pinakamadaling i-set up.
Paano ako makakapagbahagi ng access key?
Puwede kang magbahagi ng mga access key nang direkta mula sa Manager. Kapag na-click ang CTA na ibahagi ang access key, may lalabas na imbitasyong may naka-prepopulate na mensaheng nagbibigay ng mga tagubilin sa tagatanggap tungkol sa kung paano tanggapin ang key, i-download ang Client, at kumonekta sa iyong Outline server. Kailangan mong malaman ang email address o numero ng telepono ng iyong tagatanggap para mapadalhan siya ng access key at mga tagubilin sa pagkonekta.
Libre ang maraming VPN. Bakit ako magbabayad para magpatakbo ng sarili kong VPN gamit ang Outline?
Sa maraming libreng VPN, hindi mo alam kung sino ang may access sa iyong data. Maraming libreng VPN ang nagbabahagi o nagbebenta ng iyong data o nagta-track ng online na aktibidad mo. Sinasabi ng ilang eksperto sa security na maraming sikat at libreng VPN ang nagbibigay-daan sa backdoor na access sa mga pamahalaan o iba pang tagapagmasid. Madali ring ma-block at ma-detect ang karamihan sa mga libreng VPN.
Pinapayagan ba akong gamitin o gayahin ang brand ng Outline?
Sino ang nagmamay-ari at nagpapanatili sa Outline?
Noong 2026, inilipat ang pagmamay-ari sa Outline sa Outline Foundation, isang independent na non-profit na organisasyon. Inilunsad ang Outline noong 2018 ng Jigsaw, isang incubator sa loob ng Google. Patuloy na magiging libre at open-source na proyekto ang Outline na umuunlad dahil sa mga kontribusyon ng komunidad.
Hindi makita kung ano ang iyong kailangan?
Makipag-ugnayan sa team para sa higit pang tulong
Makipag-ugnayan sa amin