Paano ito Gumagana
Magpatakbo ng sarili mong VPN at kontrolin ang iyong trapiko sa Internet
Pinapahusay ng Outline ang tradisyonal na modelo ng VPN sa pamamagitan ng pagpapadali para sa sinumang gumawa ng sarili niyang VPN.
Mga tradisyonal na VPN
Kadalasang madaling i-block ang mga tradisyonal na VPN dahil madaling ma-detect ang mga ito.
Kapag gumagamit ka ng VPN, anonymous ang iyong trapiko, pero gumagamit ang ilang partikular na protocol sa seguridad na ginagamit ng mga sikat na VPN ng mga natatanging cryptographic na signature na madaling matukoy at ma-block.
Kapag kinonekta mo ang iyong device sa isang tradisyonal na VPN, madaling ma-detect ang trapiko mo dahil nagiging madaling maghanap at mag-block ng server dahil sa dami ng katulad na trapiko.
Outline
Gumagana ang Outline samantalang naka-block ang iba pang VPN at matatag ito laban sa mga kumplikadong anyo ng censorship, gaya ng pag-block na batay sa network o IP blocking.
Mas matatag ang Outline dahil binuo ito gamit ang isang protocol na idinisenyong maging mahirap i-detect, kaya mas mahirap itong i-block.
Pribadong magbahagi ng access sa iyong server sa pinagkakatiwalaang grupo ng mga tao. Kapag mas kaunti ang taong nakakonekta sa iyong server, mas mahirap itong i-detect at mas madaling manatiling pribado.
Binuo ang Outline nang isinasaalang-alang ang iyong privacy.
Hindi nito kailanman nila-log ang iyong trapiko o sinusubaybayan ang paggamit mo ng internet.
Kunin ang Outline Manager Kunin ang Outline Client